Sunday, June 6, 2010

Thinking of you..

Paano ko kaya to sisimulan? ganito kasi, masyado na naman dumadalas sa isipan ko ang lalaking ito. gusto ko na siya makalimutan pero sobrang kulit niya sa isip ko, naiisip ko na lang siya parati kahit di ko gusto. di ako makapag isip ng ibang tao, minsan nga napansin ko na lang na-ttype ko na sa keyboard ang pangalan niya at may time pa na pangalan niya ang naitawag ko sa Bro ko. hahaha.. at nung isang gabi napansin ko nalang na isang oras na pala na puro siya ang iniisip ko. ewan ko ba kung may nabibili nga lang na gamot para makalimot ng isang tao e bibili talaga ako. sabagay napansin ko rin naman sa tuwing siya ang naiisip ko nasisiyahan din ako. napapangiti paminsan-minsan at kapag may naaalala ako na nakakatawa ay napapatawa ako mag-isa,buti na lang walang nakakakita o nakakarinig, pero ewan ko. kasi naman Miss ko na siya.. di ko alam kung may chance pa na makita ko siya.. wish ko si God na ang bahala. kung ano ang dapat mangyari samin. sa ngayon wish ko na maging masaya kami pareho.

No comments:

Post a Comment