May mga Relasyon na nag-umpisa sa MALI pero kung mahal niyo talaga ang isa't isa Pangangatawanan niyo pareho hanggang sa maging TAMA.
Para sakin ha.. di naman sa Gusto ko lahat ang ginagawa ng mga tinaguriang :mang-aagaw" o ng mas kilala sa tawag na "kabit" depende kasi sa sitwasyon e, alam niyo kung minsan wag natin lahat isisi sa kanila ang lahat, tao rin lang ang mga yan, nagkamali, na-in love di ba? nagmahal lang sila kung minsan sobra pa, yun nga lang mali ang taong minahal nila at dun pwede ba natin sila masisi? e yung taong minahal nila, dapat ba na hayaan lang niya na sa taong mali na nagmahal sakaniya mabaling lahat ng sisi at kasalanan? Alam niyo kasi sa totoo lang mahirap ang maging kagaya nila ng "kabit" mahirap malagay sa sitwasyon nila. halos sandali lang ang saya sa tuwing nasa kaniya ang taong mahal niya. alam ko kasalanan sa Diyos ang gumulo ng isang Relasyon.
Siguro nga ay tama, Di lahat ng nagmamahalan ay dapat na Magkarelasyon at di rin lahat ng Magkarelasyon ay Nagmamahalan..
Kung minsan pa mas mabuti na lang na mahalin mo sa malayo ang taong yun, para kung nasasaktan ka na ay nasa malayo ka naman at di niya nakikita.
Thursday, June 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment