Minsan ko na lang uli to sasabihin.. pero gusto ko muna malaman mo ang nasa isip ko ngayon, walang iba kundi IKAW. wala ng pumapasok sa isip ko puro ikaw na lang, parang gusto ko tuloy maniwala dun sa mga nagsasabi na kapag iniisip mo ang isang tao palagi di malabong iniisip ka rin niya. i wish ganun nga ang nangyayari sa atin. pero may tanong ako sayo.. Tulad ko nahihirapan ka rin ba sa kakaisip ko sayo? ayoko mag sorry kasi di ko rin naman ginugusto na isipin ka. minsan masaya, minsan malungkot at masakit yung mga naaalala ko sayo.. pero sa kabila ng lahat na yan alam mo kung ano?
I LOVE YOU..
Corny talaga ako, pero yan talaga ang totoo, bakit kasi may mga nagmamahalan pero di pwede maging magkasama? at merong mga di na nagmamahalan pero magkasama pa rin?.. ang sakit naman! ang hirap.. pero please pareho tayo wag sumuko may tamang panahon siguro para maging magkasama tayo. basta hilingin natin pareho ang guidance ni God at siya ang maging connection natin sa isa’t isa kahit na ngayong malapit na tayo di magkita. isa ka sa mamimiss ko sa pag-alis ko.. please hintayin mo ko.. please..
H
No comments:
Post a Comment