Thursday, June 3, 2010

SANDALI KA LANG DITO SA MUNDO

Tama yan maikli lang Buhay ng tao, pag nakagawa ng kasalanan sayo patawarin mo. kung si God nga sa araw-araw na lang ng Buhay mo e may kasalanan ka, napapatawad ka niya ng paulit-ulit. bakit kaya? kasi mahal ka niya..

Mangarap ka rin, di naman masama. at higit sa lahat paniwalaan mo na mangyayari o matutupad. magiging masaya ka nyan basta samahan mo ng pagdadasal sa Diyos.

Ma-in love ka, isa sa pinaka masarap na pakiramdam sa buhay ng tao ang ma-in love. lalau na kapag true love na iyan. huwag kang matakot masaktan, nakakabuti rin yan paminsanminsan nagiging matatag ka. hayaan mong masaktan ka, di naman magtatagal yan basta ba gumawa ka rin ng paraan para muling makabangon. at isa pa mag mahal ka uli.

maging totoo ka sa sarili mo.

No comments:

Post a Comment