Tuesday, October 19, 2010

Untitled PART 2

Ayoko na kitang isipin o maalala.
bakit ba ngayon ko lang nalaman nakakapagod ka rin pala..
bakit ngayon ko lang naramdaman mapagod sayo.
kung noon pa siguro e di hindi mas naging ganun kasakit ilang
linggo rin akong parating malalim ang iniisip puro tungkol sayo.
Minsan naisip ko tuloy mahirap ba ako mahalin? baki ikaw mahal na mahal kita?
o mahirap ang magmahal sayo.. mahirap magmahal sa katulad mo.
masasaktan, aasa, maghihintay, maraming panahon ang maaaksaya.
Pero wag ka mag alala hindi ibig sabihin ng mga sinabi ko e nanunumbat ako o nagsisisi.
Dapat mo malaman na mula ng unang araw na nalaman at naramdaman kong mahal kita wala akong pinagsisisihan. Sa ngayon inuumpisahan ko na ang kalimutan ka, kung pwede lang ito na sana ang huling blog ko tungkol sayo.. kahit na sa palagay ko sa isipan ko lang ako magpapaalam sayo at hindi sa puso ko. Kahit kelan naman ay hindi tayo nagpaalamanan sa isa't isa.
kung mabasa mo man ito, tandaan mo na ito dahil ito na ang huli " Sobrang in Love ako sayo"."

No comments:

Post a Comment