Thursday, October 7, 2010

Na miss ko ang mag blog!!!

Kanina habang hinihintay ko ang friend ko na nag shopping ng bonggang bongga sa sentosa, may isang old lady na nagtanong sakin kung nasaan ang Bread talk buti nakita ko na kung nasaan yun kaya tinuro ko sakaniya yung way papunta dun. Kami naman ng friend ko umikot pa uli dahil may dinaan pa kame na kakilala niya. Pag daan ulit namin sa lugar na kung saan ako napagtanungan nung ale ay nandun ulit siya at sa palagay ko mukhang hinintay niya ako talaga. Nakangiti siya sa amin tapos ng nasa harap na niya kame sabi niya thanks sa akin dahil kanina pa daw niya hinahanap ang store na yun at nahihilo na siya nakalimutan daw niya kasi yung papunta dun nung kasama niya ang apo niya. Binilihan pala niya ako ng Cheesecake para sa pag turo ko sakaniya kung nasan ang store na hinahanap niya tapos ang akala niya ay korean ako dahil siya pala ay koreana. Hinatid namin siya sa sub-way station.

No comments:

Post a Comment