habang tumatagal mas lalu ko naiintindihan kung bakit may mga taong hindi marunong magpakita ng totoo nilang nararamdaman. naiisip ko na ang pagpapakita o pagsasabi sa iba na tunay mong nararamdaman ay parang sign ng pagiging weak. Hindi naman kita pwede pilitin kung ayaw mo.
Minsan hinuhulaan ko na lang kung ano kaya ang iniisip mo, umaasa na tama ang aking naiisip.
Isang bagay pa, siguro dapat alamin mo muna kung ano ang gusto mo.. kung sino ang gusto mo. alam ko rin naman na nahihirapan ka rin kahit na minsan naiinis ako dahil wala ka man lang reaction sa lahat ng nasabi ko sayo. sana lang kapag dumating na yung araw na alam mo na ang gusto mo at kung sakaling ako ang napili mo, sana lang hindi pa huli ang lahat at sana ikaw pa rin ang mahal ko. Hindi ako mangangako sayo na mahihintay kita hanggang sa dumating yang panahon na alam mo na ang gusto mo. pero sa ngayon, mahal pa rin kita.
Friday, September 3, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment