Friday, August 27, 2010

Lalake ka, Babae ako!

Sabi nila ang mga Babae daw lahat gusto malaman, lahat gusto alamin.
Sabi nila ang mga Lalake naman daw ay sobrang matipid sa sasabihin.
kaya naman ang mga Babae pilit gustong alamin ang lahat na pwedeng hindi magustuhan ng mga lalake kung minsan. ano ba ang tama?

bilang Babae, totoo naman kasi na may mga lalake na ang hirap mabasa ang takbo ng isip. hindi masalita. kapag tinanong mo hindi mo makuha ng malinaw ang gusto mong sagot. kaya nagiging makulit ang babae.

May nag explain nito sakin noon. Sabi, ang mga lalake daw kasi ay malihim kesa sa mga babae. kaya nga ang mga babae daw madadaldal e. ang mga lalake matipid magsalita pagdating sa feelings nila. kaya minsan na mi-misinterpret natin na manhid sila. ang totoo daw nyan kinikimkim nila ang lahat o meron din naman silang nasasabihan ng feelings nila yung malalapit nilang kaibigan na lalake o pamilya nila. pero pag tungkol na sa love, iba daw kapag ang lalake ang nasasaktan. pano? may iba dinadaan sa inuman kasama ang barkada nila. dun nila minsan nailalabas ang sama ng loob. pero minsan pagnalaman pa natin na nasa inuman lang sila ang feeling pa natin nagsasaya pa.. yun pala ayun ang way niya para pansamantalang makalimot sa sama ng loob. e tayong mga babae kasi iiyakan muna tapos ikukwento sa ibang girl friends magdradrama tapos magpaparlor or shopping yun naman nag way natin para mawala ang sama ng loob. hayy.. kaya intindihin na lang natin lahat ang isa't isa. :)

No comments:

Post a Comment