Ang hirap magpaalam sa taong hindi mo gusto iwan.. parang sumisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit, kapag naiisip kita.
pero nakakapagtaka bakit hindi ako makaiyak. wala mi isang patak ng luha sa mata ko.. parang nasa loob lahat ang sakit.
...yan ay nung gabi bago tayo magkita ulit. at eto ako ngayon..
di ko na mapigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko.. siguro naipon na lahat ng sakit at ngayon na ito tuluyang lumabas. di ko na maiitatago at wala na rin akong magawa kapag puso na ang bumibigay.. maraming beses na rin akong lumuha para sayo. pero ito na yata ang pinaka di ko malilimutan at pinaka masakit sa lahat. marami na rin nagbago satin mula nung huli kitang makasama. mga pagbabago na ikinatuwa ko nung nagkasama tayo uli pero huli na ang lahat. at isang bagay yan na masakit.. kung kelan mas maayos na dapat ang lahat o maaaring maayos na at maitama ang noon ay mali.kung kelan mas sigurado na ko sa nararamdaman ko para sayo at sa pakiramdam ko rin na maaaring sigurado ka na rin sa nararamdaman mo para sakin.
pero sa kabila ng lahat ng ito.. nagpapasalamat pa rin ako kay God sa isang araw ulit na nakasama kita. kahit na nung una ay di tayo magkasundo sa planong ito. kahit na pagkatapos nun ay parang mas lalu pa yata kitang di makakalimutan. pero isang bagay ang sigurado naging masaya ako.. ♥♥♥
Saturday, July 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment