Saturday, July 3, 2010

God's right time for us

Paano ba malalaman kung seryoso na ang isang guy sayo?.. ibig kong sabihin kung totoo ba siya sa mga sinasabi niya. nakakalito kasi minsan at parang ang hirap magtiwala lalu na kung talagang siya na yung tipo ng di nag-seseryoso.
nakakainis bakit kasi nagkaroon ng mga ganung klaseng tao sa mundo. bakit ba kasi may mga lalake din na di marunong mag express ng tunay nilang feelings, yung totoo talaga. pero sa tuwing may sinasabi na sila bakit parang ang hirap naman maniwala. ang gulo di ba?! lalu na kapag ang taong yun ay mahal mo, pero di mo alam kung mahal ka rin. at yun ang gusto mong malaman yun ang hinihintay mo mula sakaniya. at kapag tinatanong mo or medyo dun pinupunta ang topic parang kinakabahan ka kasi masasabi niya ba o baka ibitin ka lang ulit. tapos kapag may nasasabi na siya na medyo dun na papunta sa gusto mong marinig kinakabahan ka pa rin. tapos kapag maganda ang nasabi niya, pinagdududahan mo din. kasi ikaw ang nagsimula ng topic hindi siya. nakakainis talaga dapat siya naman ang mag-effort para maniwala talaga ako.. eh panu na ngayon yan sandali na lang mawawala na ko sakaniya.. medyo matatagalan bago ko siya makita uli. sa pagbalik ko wish ko andyan ka pa rin para sa akin.. wish ko na hintayin mo ko, kahit gano katagal. kaya siguro ok na rin na hindi mo masabi sa ngayon. siguro pati yun may tamang panahon din.. at baka sa tamang panahon na yon handa ka na. sa ngayon ipagdadasal ko na mag- grow pa yung feelings mo para sa akin mas maging strong pa sa mga darating na araw, at mas lumalim. basta please wag na wag mo ko kakalimutan. magkikita tayo uli.. in God's right time for us. kaya lahat ng ito ay nangyayari sa atin kasi nararamdaman ko may tamang panahon na gusto si God para sa atin, i wish na magtiwala ka rin, hintayin natin pareho. promise yan.♥

No comments:

Post a Comment