Wednesday, July 21, 2010

SAY HELLO & GOODBYE

Ang pakiramdam ng unang beses na pagsasabi ng "Hi or Hello" sa isang tao na gusto mo ay katumbas ang pakiramdam ng huling pagsasabi ng "Goodbye"


..para sa kaniya na dati ay gusto mo lang, ngayon ay MAHAL mo na.

Saturday, July 17, 2010

unforgettable july 16

Ang hirap magpaalam sa taong hindi mo gusto iwan.. parang sumisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit, kapag naiisip kita.
pero nakakapagtaka bakit hindi ako makaiyak. wala mi isang patak ng luha sa mata ko.. parang nasa loob lahat ang sakit.

...yan ay nung gabi bago tayo magkita ulit. at eto ako ngayon..

di ko na mapigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko.. siguro naipon na lahat ng sakit at ngayon na ito tuluyang lumabas. di ko na maiitatago at wala na rin akong magawa kapag puso na ang bumibigay.. maraming beses na rin akong lumuha para sayo. pero ito na yata ang pinaka di ko malilimutan at pinaka masakit sa lahat. marami na rin nagbago satin mula nung huli kitang makasama. mga pagbabago na ikinatuwa ko nung nagkasama tayo uli pero huli na ang lahat. at isang bagay yan na masakit.. kung kelan mas maayos na dapat ang lahat o maaaring maayos na at maitama ang noon ay mali.kung kelan mas sigurado na ko sa nararamdaman ko para sayo at sa pakiramdam ko rin na maaaring sigurado ka na rin sa nararamdaman mo para sakin.
pero sa kabila ng lahat ng ito.. nagpapasalamat pa rin ako kay God sa isang araw ulit na nakasama kita. kahit na nung una ay di tayo magkasundo sa planong ito. kahit na pagkatapos nun ay parang mas lalu pa yata kitang di makakalimutan. pero isang bagay ang sigurado naging masaya ako.. ♥♥♥

Thursday, July 8, 2010

I get tired tooI

pagod lang masaktan.. tama na please! i want to be happy na. ok na ko dun.♥

I hate goodbyes

I still miss him.. 1 month na lang aalis na ko at di ako personal na magpapaalam sayo. kasi di ko kaya at ayoko, dahil kapag nagpapaalam parang ibig sabihin kasi di na magkikita forever..at ibig sabihin tapos na ang lahat. basta di ko lang gusto. i will laways pray to God na magkikita tayo uli. i wish din na sa susunod na pagkikita natin ok na ang lahat, at di na tayo magkakahiwalay. sana lagi kang masaya habang wala ako. i wish na di mo ko makalimutan kahit kelan.eto lang muna sa ngayon.♥

Saturday, July 3, 2010

God's right time for us

Paano ba malalaman kung seryoso na ang isang guy sayo?.. ibig kong sabihin kung totoo ba siya sa mga sinasabi niya. nakakalito kasi minsan at parang ang hirap magtiwala lalu na kung talagang siya na yung tipo ng di nag-seseryoso.
nakakainis bakit kasi nagkaroon ng mga ganung klaseng tao sa mundo. bakit ba kasi may mga lalake din na di marunong mag express ng tunay nilang feelings, yung totoo talaga. pero sa tuwing may sinasabi na sila bakit parang ang hirap naman maniwala. ang gulo di ba?! lalu na kapag ang taong yun ay mahal mo, pero di mo alam kung mahal ka rin. at yun ang gusto mong malaman yun ang hinihintay mo mula sakaniya. at kapag tinatanong mo or medyo dun pinupunta ang topic parang kinakabahan ka kasi masasabi niya ba o baka ibitin ka lang ulit. tapos kapag may nasasabi na siya na medyo dun na papunta sa gusto mong marinig kinakabahan ka pa rin. tapos kapag maganda ang nasabi niya, pinagdududahan mo din. kasi ikaw ang nagsimula ng topic hindi siya. nakakainis talaga dapat siya naman ang mag-effort para maniwala talaga ako.. eh panu na ngayon yan sandali na lang mawawala na ko sakaniya.. medyo matatagalan bago ko siya makita uli. sa pagbalik ko wish ko andyan ka pa rin para sa akin.. wish ko na hintayin mo ko, kahit gano katagal. kaya siguro ok na rin na hindi mo masabi sa ngayon. siguro pati yun may tamang panahon din.. at baka sa tamang panahon na yon handa ka na. sa ngayon ipagdadasal ko na mag- grow pa yung feelings mo para sa akin mas maging strong pa sa mga darating na araw, at mas lumalim. basta please wag na wag mo ko kakalimutan. magkikita tayo uli.. in God's right time for us. kaya lahat ng ito ay nangyayari sa atin kasi nararamdaman ko may tamang panahon na gusto si God para sa atin, i wish na magtiwala ka rin, hintayin natin pareho. promise yan.♥