Friday, August 27, 2010

Lalake ka, Babae ako!

Sabi nila ang mga Babae daw lahat gusto malaman, lahat gusto alamin.
Sabi nila ang mga Lalake naman daw ay sobrang matipid sa sasabihin.
kaya naman ang mga Babae pilit gustong alamin ang lahat na pwedeng hindi magustuhan ng mga lalake kung minsan. ano ba ang tama?

bilang Babae, totoo naman kasi na may mga lalake na ang hirap mabasa ang takbo ng isip. hindi masalita. kapag tinanong mo hindi mo makuha ng malinaw ang gusto mong sagot. kaya nagiging makulit ang babae.

May nag explain nito sakin noon. Sabi, ang mga lalake daw kasi ay malihim kesa sa mga babae. kaya nga ang mga babae daw madadaldal e. ang mga lalake matipid magsalita pagdating sa feelings nila. kaya minsan na mi-misinterpret natin na manhid sila. ang totoo daw nyan kinikimkim nila ang lahat o meron din naman silang nasasabihan ng feelings nila yung malalapit nilang kaibigan na lalake o pamilya nila. pero pag tungkol na sa love, iba daw kapag ang lalake ang nasasaktan. pano? may iba dinadaan sa inuman kasama ang barkada nila. dun nila minsan nailalabas ang sama ng loob. pero minsan pagnalaman pa natin na nasa inuman lang sila ang feeling pa natin nagsasaya pa.. yun pala ayun ang way niya para pansamantalang makalimot sa sama ng loob. e tayong mga babae kasi iiyakan muna tapos ikukwento sa ibang girl friends magdradrama tapos magpaparlor or shopping yun naman nag way natin para mawala ang sama ng loob. hayy.. kaya intindihin na lang natin lahat ang isa't isa. :)

H. i M.

Pano ka ba kalimutan?


tanong ko sa sarili ko na patukoy sayo. ilang buwan ko na rin tanong sa sarili ko yan may ilang mga sagot at solusyon naman sa tanong na yan. pero ako ang di makasunod, hindi ko kayang sundin. bakit? gasgas na sagot ang laging nagiging sagot " Ang hirap mo naman kalimutan." kung may gamot lang na nabibili para sa limot sa Drugstore bibili ako ng pagkaramirami para matapos na. Iinumin ko naman kaya? hah, parang ayoko rin naman inumin dahil nawala ka na nga sa buhay ko.. wag na sana sa puso't isipan ko.

Kung mabasa mo man ito.. pwede wag ka magdalawang isip na baka hindi ikaw ang tinutukoy ko. Ang linaw naman di ba mula sa simula o umpisa. IKAW

Masyado mo na akong pinahihirapan.

Naiinis akong isipin na baka ako lang ang in love sayo.
naiinis ako sa sarili ko dahil iniisip ko ito..
nahihirapan akong unawain ang tunay kong nararamdaman para sayo.
alam ko mahal kita masarap kang mahalin, masakit ka rin mahalin.
nahihirapan ako intindihin ang sarili ko bakit kahit ilang beses mo ako masaktan sayo pa rin ako parating bumabalik. di ako makahinga ng maluwag sa sakit pero di rin naman ako makatakas sa pagmamahal sayo.. (drama..)
lahat ito ay patuloy kong mararamdaman kung hanggang kelan ay hindi ko na ata alam. siguro hanggat minamahal kita, hanggat minamahal pa kita..

(super tagalog talaga ako, mas kompartable kasi ako i-express ang tunay kong nararamdaman sa tagalog..) ♥♥♥

Sunday, August 22, 2010

Ayokong mawala ka.. yun ang totoo.

Gusto ko malaman mo na ayoko mawala ka, di ko lang alam kung pano ko sisimulan at kung pano ko masasabi sayo ng personal. sobrang natatakot ako na mawala ka parang di ako makahinga ng maluwag, ang bigat sa pakiramdam. minsan tina-try ko na kausapin ka sa isip ko, para akong baliw dahil kung minsan naiisip ko na ginagawa mo rin yun. pakiramdam ko pa sa bawat tanong ko sayo sa isip ko ay sinasagot mo din. alam mo ba na di lang kita basta mahal.. mahal na mahal at walang katapusan. di ka na nga maalis sa isip ko e. kahit na gano kgwapo ata ang iharap sakin at kahit anong bait pa ng kausap ko parang walang tatalo sayo.. talagang ikaw lang. nahihirapan talaga ako na kalimutan ka di ko magawa pero katulad ko ikaw rin ba ay nahihirapan na din.. wish ko lang wag ka sumuko dahil ako hinding hindi kita isusuko.